Pag Papagawa ng Bahay
Mahirap magpagawa ng bahay. Sa mga chinese nga di ina advice na mag pagawa ng bahay kung buntis ang asawa dahil sobrang stressful. Uso pa rin sa Pilipinas yung nag papagawa ng walang malinaw na plano at hinahayaan na lang sa karpintero. Pag walang plano malamang na may ma kaligtaan ang gumagawa at lalong masakit sa ulo. Mura lang naman mag pagawa ng plano. Ang mahalaga ay yung specifications, bill of materials at mismong plano. Yung specifications naka saad dun kung anong materiales ang gagamitin, anong finish, at marami pang detalye na makakatulong sa inyong matukoy kung gumagawa na ng di wasto ang contractor. Dito rin maiiwasan ang pag tatalo dahil may malinaw na kasulatan kung ano dapat. Ang Bill of materials naman ay makakatulong sayo sa pag budget. Lahat ng materiales na gagamitin ay naka saad dito kasama na ang current market price. Di na dapat lumayo dito ang gagastusin sa materiales. Pag aralan mabuti ang specifications, bill of materials at plano bago simulang mag pagawa. Nasa sayo na kung arawan o contrata ang labor. Pero sa naranasan ko mas ok yung kontrata labor pero ikaw ang bahala sa materiales. Pag pinakontrata mo lahat pati materiales ay maaring gumamit ng sub standard na materiales mga contractor, halimbawa na lang sa tiles mayroon class A at economy class kung baga may konting damage, maaring gamitan ng ganito ng contractor bahay mo para makatipid sila. Kahit pa kontrata o arawan kailangan ng bantay at hanggat maari dalasan ang pag bisita mo sa site.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
May itatanung sana ako kong ano ang kontrata sa Labor and materials. pinakontrata namin yung bahay sa verbal lang na usapan na 35% labor and material. of course sa amin ang materialis at ang usapan ay lahat ng nabiling material at kapag sya ang nag labor or nag gawa sa ano mang ilalagay sa bahay ay may percentage sya dun which is ok walang problema dun. piro nung nagpalagay kami ng gutter sa bubong kinuntrata yun ng ibang kompanya at hinde ang contractor ko ang nag labor or hinde sya ang gumawa ng gutter at ganun din sa sliding door iabng companya din ang nag labor at hinde rin ang contractor namin ang gumawa ng sliding door, ngayun yung hinde nya ni labor or ginawa ay isinama nya sa percentage nya na hinde naman sya ang nag nag gawa, tama ba na pati yun ay singilin nya sa labor nya ganung hinde naman sya ang nag gawa ng sliding door at gutter ng bubong at iba naman ang gumawa? tama bang pati yun ay isama nya sa labor nya na hinde sya ang nagpagod gawin?
MGA GANO KA LAKI BA DAPAT AT LOT PAG MAG PAPATAYO KA ASK LANG PO
You can check yung minimum dimensions ng mga rooms para mag ka idea.
Post a Comment